Saturday, February 14, 2009

"NAKATAGONG PAG-IBIG"


Nang ako'y patungo na sa paaralan,

Lumingon ako't nakita kita sa daan.

Ako'y nabighani sa iyong kagwapuhan,

At ang puso'y tumibok ng walang hanggan.



Pagdating sa paaralan hindi mapakali,

Matay naghahanap na makita kang muli!

Halos sa pagsagot ako'y nagkamali,

Kaya galit ako sa aking sarili!



Bakit? Bakit? Pati sa pagtulog!

Ikaw'y kasama sa panaginip irog.

Hindi ko alam puso pala'y nahulog,

Kay bilis ng pagtibok at sumabay sa tugtog!!



Kasama na kita sa aking mithiin,

Laging iniisip na sana ganoon ka rin.

Nalilito na ang isip ko't damdamin!

Kaya kahit sa panaginip ako'y iyong mahalin..



Alam kong di mo ako kayang ibigin,

Kaya limutin kita't puso'y pilitin!

Nang sa ganon wala ng matang titingin-tingin,

Masakit man ito'y malalampasan ko din.



Pagmamahal sayo'ypilit iwaksi!

Alam kong wala kang gusto ni kunti,

Nasasaktan man ako't pilit aring ngumiti,

Lihim na pagmamahal ay nais bumati.



Ibaling sa iba, ikaw pa rin ang naalala,

Lalo na't kapag ako'y nag-iisa sinta!

Masaya na ang puso masilayan ka lang nya,

Lihim na pagmamahal ay napakahir ap talaga!

1 comment: